May mga tao talagang kayang gawing runway ang isang normal na daan. Isa na doon si Storm De Silva, ang pinakagwapong lalaki sa paaralan namin. Sa tuwing naglalakad siya ay lahat ng atensiyon nakukuha niya. Kahit may pasa pa ito sa mukha, nagmistula pa siyang 'badboy' tingnan. Kahit nakasuot pa ito ng pambahay ay nagmimistula siyang modelo. Kaya ganun na lang kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya. Ako si Rain Sarmiento at ako lang ata ang naiiba sa lahat. Ako ang nag-iisang babae na hindi kailanman nagkagusto sa isang Storm De Silva. Ngunit hindi ko inakala na sa paggising ko isang araw, isa na akong babae kinaiingitan at kinaiinisan ng lahat, nang maging girlfriend ako ng isang 'Thunder De Silva'.